Oblation Run

Minsan talaga kailangan maging kakaiba, nakakasindak, nakakabaliw, nakakawindang ang isang bagay para makakuha ng atensyon. Kung gagalaw ka sa paraang gasgas na at hindi kaiba, walang papansin sa’yo, walang makikinig sa’yo, kaya kahit nakakahiya, kanya kanyang pasiklab nalang kung paano mo mapapalingon ang gobyernong bingi bingihan.

 

Hindi ‘daw’ sila tumatakbo bilang katuwaan lang, ngayong taon, hindi lamang isang bagay ang tila pinaglalaban   ng APO fraternity Epsilon Kappa Chapter  sa kanilang taunang oblation run, ang:

“Katarungan para sa lahat i-upo ang nararapat”

“No to commercial education
Junk education act of 1982
No to budget cut”
“Justice for lumads” ang pilit nilang isinisigaw.

 

Ang Apo ay isang kapatiran o fraternity na kilala sa bansa. May mga chapter ito at ang isa ay nasa Bulacan State University o BulSU (APO Epsilon Kappa Chapter). Pinasikat nila ang Oblation Run na nag-ugat sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan may dalawang miyembro ng fraternity ang lumibot sa unibersidad upang magwelga at iparating ang kanilang hinaing laban sa katiwalian sa gobyerno taong 1977, kapanahunan ng dating pangulong Marcos. Mula noon, tinawag itong oblation run alinsunod sa monumento ng hubad na lalaki na iniaalay ang sarili sa bayan na nililok ng National Artist na si Guillermo Tolentino na siya ring naging simbolo ng unibersidad. Naging daan ito upang ipabatid ng mga miyembro ang kanilang hinaing sa bansa at lipunan. Dahil na rin nga dito, maging sa Bulacan State University kung saan nandoon ang Epsilon Kappa Chapter ay nakaugalian na rin ng mga miyembro na magsagawa ng taunang pagtakbo.

Ngunit hindi lahat ay naiintindihan ang layunin ng grupo. Taong 2009, sinabi ni Senator Aquilino Pimintel III sa kaniyang talumpati na ang hubad na pagtakbo ay isa lamang pagbabandera ng maselang bahagi ng katawan ng lalaki at lumalabag sa batas ng disenteng lipunan at anti-obscenity laws ng bansa.

(The Anti-Obscenity and Pornography Senate Bill No. 2464) “The bill defines obscenity as anything indecent or offensive to good customs, religious beliefs, principles or doctrine, that will “deprave the human being,” “…excite impure thoughts, or violates the proprieties of language and human behavior.” Specific examples include the showing, depicting, or describing sexual acts, sexual organs, the female breasts, and nude human bodies.

Any writings describing “erotic reactions, feelings, or experiences on sexual acts” or performing live sex acts were also included.

Pornography in the bill are any objects or subjects from film, tv shows to photographs, music, paintings, advertisements, literature and others found in every form of medium from digital to video to film, tv shows, electronic media, print, outdoor advertising and broadcast media that “… excite, stimulate or arouse impure thoughts and prurient interest.”

(http://newsinfo.inquirer.net/657265/the-naked-truth-behind-the-oblation-run)

Kung susumahin, malinaw na lumalabag ang ‘Oblation run’ sa batas ngunit marahil ito ang naiisip na paraan ng mga miyembro upang mapalingon ang gobyerno at lipunan sa kanila at suriin ang kanilang ipinaglalaban. Kailangan kasing paminsan minsan gumawa ka ng eksena upang mapansin ka. At kung iniisip man ng iba na nagpapapansin lamang ang mga miyembro sa kanilang ginagawa, oo, nagpapapansin sila sa gobyerno na tila kulang ang pinakikitang malasakit para sa kanila.

Sa kabilang banda, naging epektibo nga ba ito? Oo at hindi. Nakukuhawa ng mga hubad na katawan ang atensyon ng mga nakakakita na nagiging dahilan ng paghinto ng isang tao, kung saan mapapatanong ang manunuod, “Bakit nila ginagawa ito?” “ Para saan ito?” Sa bansang konserbatibo katulad ng Pilipinas, nakawiwindang naman talagang makakita ng mga ganitong aktibidad kaya hindi maiiwasang mapalingon ka o kaya mapataas ang kilay.

Pero kung tutuusin, bukod sa nalalabag ito sa anti obscenity law ng bansa, mukhang mas iniintindi nalang din ng ibang manunuod ang rosas na binibigay ng mga kalahok kaysa sa mensahe ng kanilang pagtakbo ng hubad. Ayon kay Joan Rodriguez  na isang estudyante ng BulSu, hindi man lamang daw niya alam kung ano ang tema ng oblation run ngayon o kung ano ang ipinaglalaban nila. Sa halip, gusto lamang nilang maabutan ng rosas mula sa isang miyembro. Malinaw na tila naisasantabi ng iba ang layunin ng pagtakbo at nagiging katuwaan na lamang. Nababalewala ang kahihiyang kailangan nilang tapakan dahil hindi lahat ng kanilang napalingon ay nagtanong, sa halip iyong iba ay tumawa lamang at nanghusga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s